Sa pagdurusa tayo’y nagiisa, kahit pa sabihin ng iba na kadamay natin sila. Oo, siguro sa tuwing tayo’y iiyak, may kaibigang handang dumamay at makinig sa ating mga hinain sa buhay. Oo, pag may sakit sa atin, meron tayong pwedeng tawagin upang umagapay, ngunit tunay ba natin silang kasama sa ating pagdurusa?
Noong ako’y bata, iniisip kong ang mundo’y aking isang malaking palaruan, kung saan pwede kong gawin kahit ano man ang aking naisin. Sa aking tantya, ang bawat tao’y kalaro ko na pwedeng tawagin kung kelan ko naisin, akala ko ang mundo’y puno ng tawa, mundong kahit kelan ay di ako mag-iisa. Ngunit tulad ng lahat ng bagay sa mundo, tayo’y nagbabago, tumatanda. Ang dating mataas na mesang di natin maabot, hanggang bewang na lang natin ito ngayon. Ang dating laruan na parang santo kung ating alagaan, naiwan na lang sa isang tabi at nakalimutan, pawang walang naging parte sa ating buhay. Kung alam ko lang na ang pinaka purong klase ng kasiyahan na aking madarama ay nung ako’y musmos pa lamang at inosente pa sa iba’t ibang klase ng pagdurusa sa mundo,
Ngunit siguro di niyo ako maiinitindihan, siguro kasi normal ang buhay mo, siguro di mo binibilang ang mga araw na lalanghapin mo pa ang maduming hangin dito sa mundo, siguro di mo naririnig gabi-gabi ang iyak ng iyong ina na parang patay ka na, hindi mo nakikita ang tatay mong di makatulog sa gabi at umiinom ng alak sa inyong kusina, siguro mahal ka ng mga kapatid mo at di ka nila sinusumpa sa pang-aagaw ng buong atensyon ng inyong mga magulang.
Masaya naman ang buhay dati, masaya ang aming pamilya, pumupunta linggo linggo sa simbahan para magdasal, kumakain ng hapunan sa iisang mesa at may tawanan pang nangingibabawa sa aming tahanan. Pero simula nang bumagyo ng Milenyo, nung nawalan ng tubigat kuryente sa
Di ako nag-iisa, lingo lingo dumadalaw ang mga kaibigan ko mula sa eskwela, buwan buwan iba’t ibang mga pangalang di ko alam na kamag-anak ko pala ang dumadalaw para kamustahin ako. May iba pa ngang umiiyak kahit di naman nila ako kilala, kahit di naman nila ako nakasama. Sabi pa nila nakakaawa naman ako, napakabata ko pa para mamatay, bakit ba kasi di daw inintindi ng aking mga magulang ang kalusugan ko. Pero sa totoo lang, di naman kasalanan ng mga magulang ko, kahit pa alam nilang may lahi na kami ng Leukemia sa pamilya, sino ba naming makakaisip na sa walong malulusog na anak na dinala mo dito sa mundo, na pinapakain mo ng pinakamasustansyang pagkain sa mundo, na pinapatulog mo sa pinakamalambot ng kutsyon, na hindi mo pinadadapuan sa kahit anong uri ng insekto, na pinabakunahan mo ng lahat ng proprotekta sa kanya sa mga sakit ay mamatay pa din ng maaga. Tadhana nga naman, sadyang mapaglaro siyang talaga. Pero kahit ilang gabi pa akong tabihan ng aking mga magulang sa pagtulog, puntahan ng libo libong kamag-anak at bisitahin ng mga kaibigan nais akong pasayahin. Alam kong ako’y naiisa sa aking pagdurusa, sariling kargo ko lamang ang aking dadalhin, kahit pa sabihin nilang naiinitindihan nila ako, alam kong hindi nila maiinitindihan ang takot na nararamadaman ko tuwing gabi pag ipipkit ko na ang aking mata at palaisipan sa akin kung imumulat ko pa ito bukas. Hindi nila alam ang kabang aking nadarama sa pagiisip kung sa imyerno ba ako o sa langit mapupunta kapag ako’y namatay na, minsan nga iniisip ko ba may langit ba talaga o ginawa lang ito ng aking mga magulang para gawin ko ang tama at mali, para matakot akong may kaparusahan sa impyerno ang aking mga sala. Hindi nila nararamadaman ang pagnanasa kong makapagtapos ng aking pag-aaral,makapagtrabaho at kumita ng sarili kong pera, mag-pakasal, bumuo ng sariling pamilya at tumanda kasama ng lalaking mahal ko habang pinapanuod naming an gaming mga anak na bumuo ng kanya kanyang bersyon nila ng buhay. Pero isa lang ang naiisip kong masaya kong sasabihin sa kabilang buhay, kung saan man ako mapupunta, ito’y nagpapasalamat ako na minsan nabuhay ako sa mundo, at nakilala ko kung ang mga taong nandiyan sa aking tabi kahit ako’y nag-iisa.
No comments:
Post a Comment